Salamat, Ilocandia. Agbiag ka!
‘Di pa man ako pinapanganak, naririto ka na


Alam kong ilang umaga ang ‘yong hinintay upang masilayan kita


Kaya naman tiniis ko ang pamimintig at pangangawit ng mga paa, maabot ka lang.


Gaano man kainit ang sikat ng araw, nagpakababad sa ilalim nito, maging parte ka lang ng aking remembrans.


‘Di ko man inabot ang malilikot na isdang nagpapasaya sa iyong dagat, nag-iwan naman sila ng kabigha-bighaning ala-ala


Bukas, makalawa, ako rin ay magiging parte na lamang ng nakaraan… tulad mo. Ang hamon ngayon sa akin ay, gumawa ng sariling kasaysayan.



